Add parallel Print Page Options

24 Sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga palamuting hugis upo, para sa tatlumpung siko, na nakaligid sa dagat-dagatan sa palibot. Ang mga palamuting hugis upo ay dalawang hanay, na kasama itong hinulma nang ito'y hulmahin.

25 Nakapatong ito sa labindalawang baka, ang tatlo'y nakaharap sa hilaga, ang tatlo'y nakaharap sa kanluran, ang tatlo'y nakaharap sa timog, at ang tatlo'y nakaharap sa silangan; at ang dagat ay nakapatong sa mga iyon, at ang lahat na puwitan ng mga iyon ay nasa loob.

26 Ang kapal nito ay isang dangkal; at ang labi niyon ay yaring gaya ng labi ng isang tasa, gaya ng bulaklak na liryo; naglalaman ito ng dalawang libong bat.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Mga Hari 7:26 Bat: sukat ng tubig .